Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (Agosto 2, 2009)
Kaya't nang makita nilang wala na roon si Jesus, ni ang kanyang mga alagad, sila'y sumakay sa mga bangka at pumunta sa Capernaum upang hanapin si Jesus.
Nang makita nila si Jesus sa ibayo ng lawa, siya'y tinanong nila, "Guro, kailan pa kayo rito?"
Sumagot si Jesus, "Pakatandaan ninyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng ganitong karapatan."
Kaya't siya'y tinanong nila, "Ano po ang dapat naming gawin upang aming matupad ang ipinapagawa ng Diyos?"

"Ito ang ipinapagawa sa inyo ng Diyos, sumampalataya kayo sa sinugo niya", tugon ni Jesus.
"Ano pong himala ang maipapakita ninyo upang sumampalataya kami sa inyo? Ano po ang inyong gagawin? Ang aming mga ninuno ay kumain ng manna sa ilang; ayon sa nasusulat, 'Sila'y binigyan ni Moises ng tinapay na galing sa langit'", sabi nila.
Sumagot si Jesus, "Pakatandaan ninyo: hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit. Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit. Dahil ang tinapay na galing sa Diyos ang bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sangkatauhan."
Sumagot sila, "Ginoo, bigyan po ninyo kaming lagi ng tinapay na ito."
Sinabi ni Jesus, "Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman."

-Juan 6:24-35
Sinasabi sa Mabuting Balita ngayon na hinanap ng mga tao si Jesus. Naganap ito matapos ang himala ng pagpaparami ng tinapay at isda kung saan mahigit sa limang libo ang nakakain. Harapang sinabi ni Jesus sa mga tao na hinahanap lamang nila Siya sapagkat nakakain sila at nabusog, hindi dahil sa himalang nakita nila (Jn 6:26).
Ang paghahanap ng mga tao kay Jesus ay sagisag ng paghahanap ng tao sa Diyos. Sa simula pa lamang ng kanyang buhay ay hinahanap na ng isang tao ang isang makapagbibigay sa kanya ng mga kailangan niya upang mabuhay. Nang makilala niya ang Diyos at mabatid niyang makapangyarihan ito, patuloy niya na itong hinahanap. Hinahanap niya ang Diyos dahil kailangan niya ito upang mabuhay.
Ang ganitong hilaw na pananampalataya ay talamak sa mga Kristiyano ngayon. Marami sa atin ang tumatawag sa Diyos sa oras ng materyal na pangangailangan lamang. Ang tingin lamang natin sa Diyos ay isang Dakilang Tagapagkaloob ng mga pangangailangan upang mabuhay. Ang pananampalatayang ito ay hilaw at madaling mamamatay sa panahon ng kagipitan. Kung ganito ang pananampalataya ng lahat ng Kristiyano, walang matitirang Kristiyano sa hanay ng mga mahihirap.
Sa paglapit sa Kanya ng mga Hudyong naghahanap ng pagkain, ipinabatid ni Jesus sa kanila ang isang nakahihigit na pagkagutom na madalas ay hindi nila nabibigyang-pansin. Ito ay ang pagkagutom ng kaluluwa. Hangad ng bawat kaluluwa ang yakap ng Diyos ngunit hindi nabibigyang-pansin ang paghahangad na ito dahil sa pagkagutom ng katawan at sa pagkagutom sa iba't ibang makamundong bagay.
Hindi pinabubulaanan ni Jesus ang ating pagkilala sa Diyos bilang Tagapagkaloob ng mga pangangailangan. Nais lamang ni Jesus na pagtuunan natin ng pansin ang nakahihigit na dahilan kung bakit kailangan natin ang Diyos. Oo, kailangan natin Siya upang mabuhay sa mundo, ngunit gaano ba tayo katagal mabubuhay dito? Higit sa buhay sa mundo, kailangan natin ang Diyos upang iligtas ang ating mga kaluluwa, upang busugin tayo sa pagkaing nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Sinasabi ni Jesus na Siya ang tinapay na nagbibigay-buhay. Sa pagtanggap sa Kanya, wala na tayong hahangarin pa. Hanapin muna natin ang buhay na kaloob Niya sa ating mga kaluluwa. Itaguyod natin ang mabuting pakikipag-ugnayan sa Kanya. Unahin natin ang pagkagutom ng kaluluwa at ibibigay Niya sa atin ang lahat ng ating mga pangangailangan (Mt 6:33). Sa Kanya lang natin matatagpuan ang kapanatagan ng puso ("Confessions" ni San Agustin ng Hippo), at sa pagtanggap sa Kanya, tinatanggap natin ang buhay na walang hanggan kung saan hindi na tayo magugutom ni mauuhaw kailanman (Jn 6:35).
Just read it. Thanks.
ReplyDelete